Sa lahat ng kagalang-galang na bisita (babanggitin ang bawat isa); kay Gng. Maura Umaclap, aming punungguro; sa lahat ng guro ng aming paaralan; sa lahat ng mga magulang na naririto; at sa mga kapwa ko magsisipagtapos: isang magandang hapon po na pinagpala ng Diyos. Bago ko po simulan ang aking mensahe, nais ko pong magpaliwanag nang kaunti ukol sa lenggwaheng aking ginagamit ngayon. Batid ko pong ang paggamit ng Ingles sa pagsasalita ay tanda ng karunungan... read more