Mahilig ako magbasa ng blogs – mga kakilala ko man o hindi. Sana hindi naman parang tsismosa, pero nakakatuwa kasi magbasa ng mga buhay-buhay ng sari-saring mga tao. Mga pakiramdam na maaring hindi maipahayag ng harapan sa kung ano-anong dahilan at kanila na lamang naiilarawan sa pamamagitan ng pagsusulat. Nakakatuwang malaman at matuto sa iba’t ibang karanasan ng mga tao. Ako man, mahilig magsulat. Lalo na siguro ngayon. Sa panahon na ayaw mo man, wala ka maggagawa kung hindi mag-isa... read more